Abante Tonite Interactive

Palasyo happy sa mangingisdang Pinoy

119

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang balitang malaya nang nakapaglalayag at nakapa­ngingisda ang mga Pinoy sa Panatag Shoal.

“The Palace welcomes the good development for our fishermen at the Panatag Shoal,” komento ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar sa ulat na wala nang nangha-hassle sa pangingisda ng mga kababayan sa nasabing isla.

Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na walang pormal na kasunduan pero mismong ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc ang nagpapatunay na malaya na silang nakapangingisda sa nasabing isla na dating ipinagkait sa kanila ng puwersa ng China.

“There are no written agreement or rules but Filipino fishermen lately attest that they were not driven away nor accosted and for the record from 17 to 27 October there had been only two Chinese ships in BDM (Bajo de Masinloc), a research ship last October 19 and a frigate (Navy) on the 20th, that’s compared to daily average of five PLA (People’s Liberation Army) Navy and four coast guard ships in the past,” ayon kay Esperon.

Ang mga pagbabago sa Panatag Shoal ang nakikitang positibong resulta ng ginawang state visit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa China noong isang buwan.