Abante Tonite Interactive

Palasyo kay Bello: Report sa ginapos na OFW, asan na?

351

Hinihintay ni P­angulong R­odrigo Duterte ang report ni D­epartment of L­abor and Employment (DOLE) Secretary S­ilvestre B­ello III kaugnay sa overseas Filipino worker na itinali ng amo sa isang puno sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat ay nag-report na si Bello kay P­­a­ngulong Duterte para maaksiyunan agad ang ginawa sa OFW.

Hindi aniya nito alam ang nangyari sa OFW kaya dapat ay mayroon ng impormasyon sa Malacanang para ma­kagawa ng aksiyon ang Presidente.

“We will ask Secretary Bello on that. I suppose he will be giving the President a report and then the President will act on it immediately. Secretary Bello, if you’re listening, we want your response immediately,” ani Panelo.

Nakabalik na sa Pilipinas ang minaltratong OFW na si Lovely Acost­a Baruelo na pinarusahan ng amo dahil naiwanang nakabilad ang isang mamahaling muwebles sa araw at namuti umano kaya bilang parusa ay ibinilad din siya ng amo habang nakatali sa isang puno.

Ayon kay Baruelo, marami siyang kasamang Pilipino na nagtatrabaho rin sa malupit na amo at nakakaranas din umano ng pagmamaltrato kaya hiniling nito na tulungan din sila ng gobyerno. (Aileen Taliping)