Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo kay Imee Marcos: Aral din `pag may time

0 591

Hindi naitago ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang pagkadismaya kay Senador Imee Marcos dahil sa pagkuwestiyon sa executive order na nagpapababa sa buwis ng mga imported rice.

Inihayag ito ni Panelo matapos maghain ng resolusyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang limang senador na kontra sa direktiba ng Palasyo na binawasan ang buwis para sa imported rice.

Sa kanyang programang “Counterpoint”, sinabi ni Panelo na dapat munang pag-aralan ng senadora ang naging aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago bumanat at magkomento.

“Isa pa itong si Imee, bakit daw tayo magbababa ng taripa. Hey Imee, mag-aral ka kaya. Pag-aralan mo kaya kung bakit, hindi `yong basta ka na lang sumasama sa mga kasama mong kontra-partido,” ani Panelo.

Sayang aniya ang talino ng senador subalit hindi na pinalawig pa ng kalihim kung ano ang ibig nitong sabihin.

“Ikaw naman, you are such a disappointment. Parang sayang `yong talino mo. `Yong tatay mo katali-talino, `yong nanay mo matalino rin, pero ikaw eh, ewan ko ba. Hay naku. Dapat sa’yo ang pangalan mo Ay, mi!” dagdag ni Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi gagawin ng gobyerno ang pagtapyas sa buwis ng imported rice kung hindi ito napag-aralan ng Tariff Commission at mula sa ulat ng Philippine Statistics Authority. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.