Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo, Kongreso pinoporma P140B dagdag-ayuda

0 301

Naghahanap ng paraan ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang Kongreso para mapondohan ang P140 bilyong halaga ng dagdag na ayuda para sa mga apektado ng COVID-19 pandemya.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, nakipagpulong siya sa mga economic manager ng Malacañang at nagkaintindihan sila na ang pagpopondo sa dagdag na ayuda ay hindi dapat manggaling sa karagdagang pangungutang.

“We can’t expand the deficit without consequences for the future. That much is clear. So we have to be creative with our ways of funding COVID-19 relief,” ani Salceda.

Kasama sa mga naisip ni Salceda ang pagtataas sa dividend remittance ng mga government-owned and controlled corporation (GOCCs) na maaari umanong makakuha ng dagdag na P70 bilyon.

SM food to go Banner Ad

Maaari rin umanong bawasan ang kapital ng mga GOCC na hindi naman kumikita at makakukuha rito ng P20 hanggang P80 bilyong dagdag na pondo.

“We will have to survey non-essential GOCCs that have accumulated more earnings than they need,” wika pa ni Salceda.

Puwede rin aniyang madaliin ng Malacañang ang mga panukalang batas na naipasa na ng Kamara para sa pagpapataw ng karagdagang buwis sa ilang negosyong kumikita sa bansa.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.