Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo kumampi kay Cusi

0 193

Kinikilala pa rin umano ni Pangulong Duterte ang liderato ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa loob ng PDP-Laban sa kabila ng pagpapatalsik sa kanya ng kampo ni Senador Manny Pacquiao.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sibakin si Cusi bilang vice chairman ng partido kasama ang dalawa pang opisyal ng PDP-Laban dahil sa paglabag umano sa Saligang Batas nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Roque, hindi kinikilala ni Pangulong Duterte, chairman ng PDP-Laban, ang desisyon ng National Executive Committee laban kay Cusi.

Dadalo rin aniya ang Pangulo sa ipinatawag na special meeting ni Cusi sa mga kapartido na gaganapin sa Hulyo 17. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.