Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Lacson-Sotto puwedeng panlaban

0 43

Nagpaabot ng “good luck” wish ang Malacañang sa posibleng tambalan nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente Sotto III para sa halalan sa susunod na taon.

Kasunod ito ng pagiging matunog na tambalang Lacson-Sotto para sa pagka-pangulo at pangalawang pa¬ngulo sa May 2022 elections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroong demokrasya sa bansa at mas mainam na mayroong pagpipilian ang taong-bayan kung sino ang nais nilang susunod na mamuno sa Pilipinas.

“We wish them the very best. Because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taong-bayan,” ani Roque.

Bagama’t lumulutang na ang Lacson-Sotto tandem, wala namang kinukumpirma ang kampo ng dalawang senador para sa kanilang plano sa darating na eleksiyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.