Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Mental fatigue kinonsidera sa balik-eskuwela

0 66

Isyu sa edukasyon, mental health at ekonomiya ang mga pangunahing ikinonsidera ng gobyerno para payagan ang pilot run ng limitadong face-to-face classes sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na umani agad ng reaksiyon ang anunsiyo ng Malacañang at ni Department of Education (DedpEd) Secretary Leonor Briones na pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa limitadong face-to-face classes.

Ayon kay Roque, maraming mga estudyante na ang nakararanas ng mental fatigue dahil sa mahigit isang taong pandemya at hinahanap ang pagpasok sa mga paaralan.

“Kinakailangan na nating mag-pilot ng face-to-face dahil hindi lang isyu ito ng edukasyon, isyu na rin ito ng mental health ng ating mga kabataan at isyu na rin ng ekonomiya kasi baka meron tayong henerasyon na mawala dahil wala tayo face-to-face,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.