Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Mga isla sa WPS `di sakop ng arbitral ruling

0 452

Ipinamukha ng Malacañang sa mga kritiko nito na hindi sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte nawala ang mga teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) pati na ang pagtatayo ng mga estruktura ng China sa lugar.

Tugon ito ng Palasyo sa naging paglarawan ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na mistulang pugot na manok ang gobyerno pagdating sa isyu ng WPS.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dinatnan na lamang ni Pangulong Duterte ang problema sa WPS kung saan sa panahon aniya nina Carpio nawala ang Scarborough Shoal at naitayo ang mga artipisyal na isla ng China sa mga pinag-aagawan teritoryo.

SM food to go Banner Ad

Binigyang-diin pa ni Roque na ang napanalunan ng gobyerno sa arbitral tribunal ay tungkol lang sa sakop ng karagatan ng Pilipinas at hindi ang mga isla o lupang pinag-aagawan sa WPS.

“Iyong award na napanalunan na natin ay tungkol lang po sa karagatan. Ang pinag-aagawan isla, lupa–iba po ang law applicable, hindi po applicable ang UN Convention on the Law of the Sea. Paano makakaapekto ang Law of the Sea eh ang pinag-aagawan ay isla `di po ba?” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.