Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo nalungkot sa PH `worst country’ sa manggagawa

0 96

Ikinalungkot ng Malacañang ang annual report ng International Trade Union Confederation kung saan kabilang ang Pilipinas sa sampung bansang “worst countries” para sa mga manggagawa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nalulungkot siya sa report dahil naapektuhan ng COVID pandemic ang kalagayan ng mga manggagawa.

Ang COVID pandemic aniya ang dahilan kaya maraming mga manggagawa ang pansamantalang nawalan ng hanapbuhay matapos magsara ang mga negosyo dahil sa mabagsik na virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nalulungkot po tayo diyan pero sigurado po ako na iyong estado ng mga manggagawa ay apektado rin po ng pamdemya dahil papunta na tayo sa pangalawang taon ng pandemya,” ani Roque.

Pero sinabi ng kalihim na makakabawi ang bansa at balik-trabaho ang mga apektado kapag nabakunahan na ang mga ito na kabilang sa A4 category. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.