Abante Tonite Interactive

Palasyo nangangapa sa 3 China WPS weather station

By
280

Hindi nagpakita ng pagkabahala ang Malacañang sa ulat na nagtayo ng tatlong weather station ang China sa mga itinayong artipisyal na isla sa West Phi­lippine Sea (WPS).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala silang kumpirmasyon sa report ng South China Morning Post na nagtayo ang China ng weather stations sa Kagitingan, Subi at Pa­nganiban Reefs na bahagi ng mga pinag-aagawang teritoryo.

Ayon sa kalihim, kailangan munang ma-validate bago kumilos ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of ­Foreign Affairs (DFA).

Abante Hiring – IT dep

“We have to get confirmation of that since that is merely a news report. These are news reports; we have not validated that. But if they are validated, I’m sure the new Secretary of Foreign Affairs will do his job,” ani Panelo.

Idinagdag ng kalihim na hindi pa huli para igiit ang karapatan sa West Philippine Sea sakaling mapatunayan ang mga ginagawang aktibidad ng China sa mga pinag-aagawang isla.

Hindi naman aniya mababago ang naging desisyon ng Court of ­Permanent Arbitral Tribunal pabor sa Pilipinas kaya’t ipaubaya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang prebilihiyo kung kailan ang tamang pagkakataon para ­igiit sa China ang karapatan sa West Phi­lippine Sea.

“It can never be too late when you protest on a particular thing, especially when the award is yours. We’ll have to leave it with the President’s judgment on when and where the perfect time would be made. He has six years within which to do it. So as you said, we’re still only coming in the half of his term,” dagdag pa ni Panelo.