Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: OFW, marino puwede choosy sa bakuna

0 297

Pinayuhan ng Malacañang ang mga overseas Filipino worker (OFW) at mga seaman o marino na magpabakuna ng brand na nais ng kanilang mga employer.

“Siguro we can make an exemption doon sa mga OFW, mga seafarers na kinakailangan magpabakuna ng western brands dahil iyon naman po ay requirement ng kanilang mga employers,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang press briefing.

SM food to go Banner Ad

“Pero at the same time, kung kayo po ay isang seafarer na alam n’yo po na kinakailangan n’yo ng particular brand, `wag na po kayo magpa-inject ng iba pang brand, kumuha na po kayo ng brand na nire-require ng inyong employers para sa ganun eh maibigay naman po natin `yong ibang mga bakuna doon sa ibang nangangailangan din,” dagdag ng kalim.

Nanawagan din si Roque sa publiko na hintayin munang mabakunahan ang nakararami bago magpa-booster shot.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.