Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Paracetamol bawal na sa online bentahan

0 163

Ipinagbawal na ang online sale ng paracetamol at iba pang gamot sa lagnat at ubo kasabay ng pagtatakda rin ng limitasyon sa pagbili nito.

Ito’y matapos na magtakda ang gobyerno ng purchase limit para sa mga bibilhing gamot katulad ng paracetamol, carbocisteine at iba pang over-the-counter drugs.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na naglabas ng joint memorandum ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) para limitahan ang bilang ng mga bibilhing gamot ng isang indibiduwal.

Hanggang 20 tableta lamang ng paracetamol (500 milligrams) ang maaring bilhin ng isang indibiduwal at hanggang 60 lamang para sa isang bahay.

Kasama rin sa memorandum ang pagbabawal ng online sale ng mga nasabing gamot maliban na lamang kung may pahintulot ng Food and Drug Administration (FDA). (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.