Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo pinabilisan ayuda sa ECQ

0 201

Nais ng Malacañang na ibigay kaagad ang ayuda sa lalong madaling panahon sa mga benepisyaryo nito sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pangalawang linggo na ng ECQ kaya dapat ay naibigay na ang ayuda sa mga tao, partikular sa mga mahihirap at naapektuhan ang trabaho sa loob ng dalawang linggo.

“Ang gustong mangyari ng Presidente sa lalong madaling panahon. Sana po itong linggong ito dahil pangalawang linggo na ng ECQ,” ani Roque.

Noong una aniya ay ‘in kind’ ang inutos na ayuda subalit napagpasyahan umano na gawing cash na lang para mas mabilis na maibigay sa mga taga-Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ito po yong dahilan kung bakit nabago po iyong pinirmahan ni Presidente. Dati rati in kind, ngayon po silent kung in cash or in kind kaso nga ang gusto ng Presidente sa lalong mabilis na panahon,” dagdag ni Roque.

Matatandaang noong nakalipas na linggo ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng emergency assistance para sa mga nasa ECQ subalit hindi pa rin ito naipapamahagi sa mga dapat pagbigyan ng ayuda.

Makakatanggap ang isang pamilya ng minimum na P4,000 habang P1,000 naman para sa solong namumuhay. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.