Abante Tonite Interactive

Palasyo pinakalma ang publiko sa FB data breach

By
1,007

Pinawi ng Malacañang ang agam-agam ng publiko sa posibilidad na nanakaw ang kanilang mga impormasyon sa Facebook kasunod ng nabunyag na data breach sa nabanggit na social media site.

Ito ay matapos aminin mismo ng Facebook founder at CEO Mark Zuckerberg na 87 million facebook users sa Estados Unidos ang naapektuhan ng data breach, kabilang na dito ang 1.2 milyong Filipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroong batas ang Pilipinas para protektahan ang mahahalagang impormasyon ng mga Pinoy – ang Privacy Act na panlaban ng gobyerno laban sa data breach.

Binigyan-diin ng taga­pagsalita ng Palasyo na hindi sa Pilipinas nangyari ang data breach kundi kagagawan ito ng Cambridge Analytica na nakabase sa United Kingdom.

Sinabi pa ng kalihim na unang nasampulan ng data breach ay si dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista matapos manakaw ang impormasyon ng mga botante, patunay aniya na seryoso ang pamahalaan na proteksiyonan ang mahahalagang impormasyon ng mamamayan.