Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo pinasagip sa DSWD mga batang hamog

0 155

Inatasan ng Malacañang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pagtuunan ng pansin ang mga batang palaboy o tinatawag din na mga batang hamog na umaakyat sa mga pampublikong sasakyan para mangaroling.

Kasunod ito ng obserbasyon na ipinarating sa Palasyo matapos dumami umano ang mga batang hamog na nakakalat sa mga kalsada at nanghihingi ng pera sa mga pasahero o kaya ay nangangatok sa mga sasakyan para mamalimos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat itong pagtuunan ng pansin ng DSWD dahil mayroon pang pandemya.

Kailangan aniyang masiguro ang kalusugan ng mga batang hamog dahil nakalantad sila sa panganib ng COVID-19 sa kanilang pamamalimos.

“Nananawagan kaminsa DSWD, kailangan ay bigyan natin ng atensiyon itong mga batang hamog dahil bukod sa well-being ng mga ito ay importante rin na masiguro ang kanilang kalusugan dahil nandiyan pa rin ang pandemya,” ani Roque.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.