Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo pinaubaya sa NTF-ELCAC pagsibak kay Parlade

0 281

Dumistansiya ang Malacañang sa panawagan ni Senador Panfilo Lacson na sibakin bilang spokesman si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipauubaya na nila sa mga opisyal ng NTF-ELCAC kung susunod sa kahilingan ni Lacson.

Hindi aniya nakikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensiya at mga task force na itinatag nito dahil may mga itinalagang opisyal na mangasiwa sa mga ito.

SM food to go Banner Ad

“Hindi naman po nagma-micromanage ang ating Presidente, bahala na ang NTF-ELCAC kung susundin nila ang rekomendasyon ni Senator Lacson,” ani Roque.

Nag-ugat ang pagpapasibak kay Gen. Parlade sa NTF-ELCAC matapos ang umano’y red-tagging sa organizer ng unang community pantry sa Quezon City.

Hindi nagustuhan ng ilang senador ang ginawa umano ng NTF-ELCAC kaya binanatan ang heneral na sinagot naman nito hangang sa mauwi sa palitan ng salita sa media. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.