Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo sa HK: Huwag lang OFW targetin sa bakuna

0 193

Sinuportahan ng Malacañang ang posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi dapat mga overseas Filipino worker (OFW) lang sa Hong Kong ang obligahing magpaturok ng COVID-19 vaccine, sa halip lahat ng mga dayuhang nakabase sa nasabing teritoryo ng China.

“We go with the statement of [Foreign Affairs] Secretary Locsin. Sana huwag i-single out ang ating OFWs. It must be done in a manner na lahat po eh sasakupin,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Naunang inihayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat lahat ng dayuhang nasa Hong Kong ay atasang magpabakuna sa halip na ipatupad lamang ito sa mga manggagawang Pinoy.

Hindi umano sagot ng Hong Kong government ang COVID-19 vaccine ng mga domestic worker kaya babalikatin ng mga OFW ang kanilang bakuna. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.