Abante Tonite Interactive

Palasyo sa Kongreso: Pondo ng mga leftist party-list halukayin

369

Pinasisilip ng Malacañang sa Kongreso kung saan ginagamit ng mga makakaliwang party-list ang kanilang pondo.

Kaugnay na rin ito sa hinala ng ilang grupo na posibleng ginagamit diumano ang pera ng taumbayan sa mga rally at sa mga sinusunog na effigy ng mga malakihang kilos protesta tulad ng ginawa sa Labor Day.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat mag-im-bestiga ang Kongreso para malaman kung saan ginagamit ng mga party-list ang pondong ibinibigay sa kanila.

“Siguro `yung Kongreso ang dapat na mag-initiate at mag-investigate sa source ng funding ng mga militanteng grupo,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na ang militar ang nagpatunay na mayroong ugna-yan ang mga progresibong party-list sa mga makakakaliwang grupo kaya dapat lamang na malaman ng taumbayan kung nagagamit ba ng tama ang pondong ibinibigay sa mga ito.

Pero itinanggi ng ilang party-list group ang akusasyon sa kanila ng Armed Forces of the Philippines.(Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad