Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo sa LGU: PCR test ‘wag gawing gatasan

0 350

Nanawagan ang Malacañang sa mga lokal na opisyal na huwag gawing raket o pagkakitaan ang polymerase chain reaction (PCR) test sa kanilang mga constituents.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na gawing halimbawa ang Manila City government na libre ang kanilang PRC test at kahit hindi taga-Lungsod ng Maynila ay pinapayagang sumailalim sa COVID test.

Galing naman aniya sa national government ang PCR machines kaya dapat na huwag ng dagdagan pa ang pinapasang sakripisyo ngayon ng mga Pilipino.

Kung nagawa aniyang libre ang COVID test sa Lungsod ng Maynila ay magagawa rin ito ng ibang lokal na pamahalaan dahil bukod sa bigay ng gobyerno ay marami ring mga pribadong sektor na nagdo-donate ng PCR machines. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.