Abante Tonite Interactive

Palasyo sa LGUs: Negosyante protektahan

75

Kinalampag ng P­­­­­a­lasyo ng Malakanyang ang mga local government units (LGUs) na ­ayusin ang burukrasya sa kanilang nasasakupan dahil sa gagawing paghimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na mamuhunan sa bansa sa kanyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Peru.

Sa press briefing sa Palasyo sinabi ni Presi­dential ­Communications Assistant Secretary ­Marie Banaag na ang tema ng APEC Economic Leaders Meeting sa Peru ay ‘Qua­lity Growth and Human Capital Development’ na tutuon sa pagpa­palakas ng negosyo sa pamamagitan ng mas epesyente at tumutugon na pamumuno.

“It would mean that our LGUs must keep up at ayusin nila ‘yung kanilang mga burukrasya doon sa pagbibigay ng permit at pagpo-protekta sa ating mga nego­syante na papasok sa ating bansa, at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno who are dealing with the business sector,” ayon pa kay Banaag.

Abante Hiring – IT dep

Mangangahulugan din aniya ito ng econo­mic development na paki­ki­nabangan ng mahihirap na sektor sa lipu­nan dahil ­magreresulta ito ng mas maraming trabaho, oportunidad na magkatra­baho, mataas na sahod para sa mga kasalukuyan nang nagtatra­baho.