Abante Tonite Interactive

Palasyo sa mga kritiko: Gumising na kayo!

338

Inaasahan na umano ng Malacañang na mapapanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na approval at trust rating dahil sa mga ginaga­wang pagbabago sa pamahalaan at pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.

Ito ang reaksyon ng Malacañang sa pinakahu­ling resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing si Pangulong Duterte pa rin ang pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan matapos makakuha ng 85 percent na trust at approval rating.

Sa kanyang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakikita talaga ng publiko ang sinseridad at political will ng Pangulo sa mga ipinatutupad na polisiya o patakaran.

Ayon kay Panelo, ang mataas na trust at approval rating ni Pangulong Duterte ay nagpapatunay lamang na mali at walang basehan ang mga kritiko na patuloy na bumabanat sa administrasyon lalo na sa isyu ng paglaban sa iligal na droga at pagharap sa problema sa West Philippine Sea.

“It shows how sincere he is and the people are satisfied with his method of governance, and people keep on expressing their support to awaken the critics and detractors from their slumber and or sleep, that all the criticism against this President relative to drugs, the West Philippine Sea and o­ther issues of national interest are all wrong, no basis,” ani Panelo. (Aileen Taliping)