Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo sa mga mayor: Illegal mining ‘wag gawing negosyo

0 143

“You will have blood in your hands kung poprotektahan niyo po ang mga illegal logger at illegal miner.”

‘Yan ang babala ni presidential spokesperson Harry Roque sa mga alkalde na pinoprotektahan ang mga iligal na aktibidad sa kanilang nasasakupan kahit pa nakasisira ito sa kapaligiran. Ito’y kasunod ng paglantad ni Interior Secretary Eduardo Año na iniimbestigahan na ang mga alkalde na nakikinabang sa illegal logging at mining.

Saad ni Roque, puwedeng masibak sa pwesto o makasuhan pa ng criminal case ang mga mayor na mapapatunayang sangkot sa iligal na pagmimina o pagputol ng puno. Aniya, “Hindi po dapat ginagamit para sa negosyo ang inyong posisyon. Nakita naman po natin ang danyos na dulot ng illegal logging at illegal mining lalong lalo na sa probinsya ng Cagayan.”

Ang talamak na illegal logging ang isa sa pinaniniwalang naging dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley na halos nagpalubog sa lahat ng mga bayan dahil sa matinding pagbaha.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.