Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo sa mga raliyista: Ayaw namin kayong magkasakit

0 90

Nagpaalala ang Malacañang sa mga kritiko na iwasan munang magpahayag ng oposisyon sa pamamagitan ng mass protest dahil nananatili umano itong pinagbabawal para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Ang karapatan ng malayang pananalita ay garantisado po ng ating Saligang Batas. Gayunman, panahon po ng COVID-19 at kahit kayo po ay lumalaban at kalaban ng gobyerno, pinangangalagaan po natin ang iyong kalusugan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Pakiusap po, sundin natin: hanggang 10 tao lang po ang pagtitipon-tipon dahil ayaw po namin kayong magkasakit. Maski kayo po ay walang ginawa kundi labanan ang gobyerno, Pilipino pa rin po kayo at may obligasyon pa rin po kaming isalba kayo kung kayo’y magkakasakit,” dagdag ng kalihim. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.