Abante Tonite Interactive

Palasyo sa Moody’s: We will be okay

By
10

Nanindigan ang Palasyo ng Ma­lakanyang na hindi makaka­apekto sa ekonomiya ng bansa ang isinusulong na pagpapalit ng foreign policy ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, taliwas sa pangamba ng credit watchdog na Moody’s Investor Service.

“The economic fundamental remain strong. The poverty rate has dropped, Inflation rate is stable. Government-private contracts continue to be honored. We will be okay,” reaksyon ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar kahapon.

Ang pahayag ay ginawa ni Anda­nar kasunod ng babala ng Moody’s na maaaring humina ang ekonomiya ng bansa kung magkakaroon ng biglaang polisiyang ipatutupad ang gobyernong Duterte katulad ng foreign policies.

Abante Hiring – IT dep

“Risks are emerging in terms of the banks’ increasing exposure to real estate-related loans and higher yielding small and medium enterprises,” ayon pa sa Moody’s.

Gayuman, iniulat ng Moody’s na sa loob ng 12-18 buwan ay mananatiling matatag ang Philippine banking system.

“Asset quality will remain broadly stable, supported by stable macroeconomic factors, and the stable debt servicing metrics of borrowers,” ayon sa inilabas na report ni Alka Anbarasu, Moody’s vice president and senior analyst nitong Lunes.