Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo sa OCTA Team: Tumigil na muna kayo

0 162

Inawat ng Palasyo ang UP-OCTA Research Team hinggil sa pagbibigay nila ng mga rekomendasyon sa publiko na may kinalaman sa COVID-19.

Hirit ito ng Malacanang makaraang irekomenda ng UP-OCTA na magpatupad uli ng mas mahigpit na quarantine classification o localized lockdown sa Bauan, Batangas, Calabayog sa Western Samar at General Trias sa Cavite dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas makabubuting idaan na lang nila ang kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force.

SM food to go Banner Ad

“I wish they would refrain from making these recommendations publicly. They can probably endorse or course their recommendations privately with the IATF nang hindi naman po napapangunahan,” pahayag ni Roque.

Sa kabila nito’y pinasalamatan ng Palasyo ang effort ng UP-OCTA.

“I really appreciate the efforts po of OCTA Research Team in helping us monitor COVID cases. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.