Abante Tonite Interactive

Palasyo sinermunan ang DPWH sa bumagsak na flyover

By
1,920

Kinalampag ng Malacañang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at pinag-iingat sa mga konstruksyon kasunod ng pagguho ng concrete beam sa isang flyover sa Imus City kamakailan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na base sa inisyal na imbestigasyon, ‘human error’ ang natuklasang sanhi ng pagbagsak ng flyover.

“So siyempre po pinag-iingat nang mas matindi pa ang ating DPWH para maiwasan itong mga ganitong pangyayari ‘no. Eh talaga pong dahil sa Build, Build, Build program marami tayong infrastructure projects at siguro po pasasabihan natin ang DPWH na lalo pang palakasin ‘yung mga hakbang na gagawin para maiwasan itong nangyari sa Bacoor,” babala ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na binibigyan ng Palasyo ang DPWH ng kalayaan para mag-imbestiga sa pangyayari partikular ang pagpapanagot sa contractor.

Ang bumagsak na flyover ay bahagi ng Daang Hari extension project ng DPWH at ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang contractor ng proyekto ay ang JBL Builders.