Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo tiklop na sa Sara for president

0 96

Bigo ang mga nag-aasam na hahabol sa mas mataas na puwesto si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kasunod ng biyahe nito sa Cebu City noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nagbago ng plano si Mayor Sara kahit pa nagkita at nagharap sila nipresidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Cebu.

Tinawagan aniya nito si Cebu Governor Gwendolyn Garcia at tinanong kung ano angnapag-usapan sa Cebu nina Mayor Sara at dating senador Marcos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang sabi po ni Governor Gwen sa akin ay ang sabi daw ni Mayor Sara on her possibility of running for President, “that ship has sailed”. So talagang mayor po angtakbo ni Mayor Sara,” ani Roque.

Umugong ang mga espekulasyon sa posiblengpagtakbo ng alkalde sa national post matapos magtungo sa Cebu noong nakalipas nalinggo at magkita sila ni Marcos. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.