Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo tikom sa b-day ni Imelda

0 104

Nag-trending sa social media ang Malacañang dahil sa sinasabing selebrasyon ng ika-93 kaarawan ng dating unang ginang Imelda Marcos nitong Hulyo 2.

Gayunman, tumanggi ang Malacañang na maglabas ng impormasyon at litrato tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ginang Marcos bagama’t kumalat na ang ilang larawan nito sa social media.

“We will only be releasing statements on issues where public interest/welfare is involved. Thank you,” sabi ng Office of the Press Secretary sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo, Hulyo 3.

Si Imelda, na nahatulan sa pitong graft case noong 2018 para sa ilegal na paglilipat ng mga pondo, ay tumuntong sa edad na 93 noong Sabado, Hulyo 2.

Isang marangyang birthday party, dalawang araw matapos manumpa ang kanyang anak na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 presidente ng Pilipinas, ang sinasabing nangyari mismo sa Malacañang.

Ito ang nagbunsod para mag-trending sa social media ang Malacañang kahapon.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

@chatify68: “Wow! This is really revolting. They’re shoving it in the Filipinos’ faces. The affluence. Like in the days of Imelda’s lavish Malacanang balls and their exclusive New Year’s yacht parties.”

@zryanverse: “Dear palace it is public interest because… Malacañang Palace is owned by the people. We have a right to know when public funds or public property were used to hold parties while PH is experiencing high inflation, & high gasoline prices Marcos family doesn’t own Malacañang.”

@goodkidbikecity: “Malacañang used to be called the people’s palace. Evidently they don’t see it that way anymore.”

Nag-post din sa social media ng ilang larawan si Atty. Michael Manotoc, anak ni Senador Imee Marcos sa nangyaring selebrasyon sa Rizal Ceremonial Hall.

Ginagamit ang nasabing lugar para sa state dinner at iba pang pagtitipon sa Malacañang.

Maging ang pamangkin niya na si Ilocos Norte 2nd District Congressman Angelo Marcos Barba ay nag-post din sa Facebook nito ng mga litrato ng birthday party.

Samantala, mistulang nag-throwback si Sen. Marcos sa birthday ng kanyang ina.

Sa Instagram post ng senador, sinabi nitong kadalasan ay ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang ina ng may `unli-lechon’, maraming pagkain at kantahan.

“July 2 was a family holiday. Para sa amin talaga, fiesta sa nanay ko ‘yon so lahat ng gusto niya dapat gawin namin. May kantahan, may labis-labis na pagkain. Masaya talaga,” ani Imee sa ibinahaging video.

“Pag nanay ko, lechon lechon talaga naman. Nonstop unli-lechon kaya ang saya-saya namin `pag July 2,” dagdag nito.

Ang bongga, maraming nagugutom – Gabriela

Kinondena ng grupong Gabriela ang magarbo umanong birthday party ni Imelda sa Malacañang na ginawa sa gitna ng paghihirap ng maraming Filipino na walang makain at lugmok sa kahirapan dulot ng COVID-19 pandemic.

“This blatant display of luxurious living is an outright insult to all Filipinos who are deprived of work and livelihood yet try to raise their families amidst the relentless rise in prices of oil, commodity and utility,” sabi ng Gabriela.

Hinamon ng Gabriela na tugunan ng administrasyong Marcos ang hinaing ng mga mamamayan at totoo ang gawing pagseserbisyo sa sambayanang Filipino gaya ng ipinangako nito noong halalan. (Issa Santiago/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.