Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo tinabla CPP sa pagdeliber ng COVID bakuna

0 234

Ibinasura ng Malacañang ang hirit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sa halip na mga sundalo ay Philippine Red Cross na lang umano ang mangasiwa at maghatid ng COVID vaccine sa mga malalayong lugar sa bansa.

“We have a roll-put plan, iyon po ang masusunod kahit anong sabihin ng CPP-NPA. Ang ating roll-out plan ay binuo sa tulong ng mga pangunahing eksperto and it will remain,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Matatandaang umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP na huwag galawin ang mga medisina para sa mga mahihirap na Pilipino.

Isa rin umano sa pag-aalangan ng kilusang komunista ay ang posibilidad na gamitin ng militar ang counter-insurgency at demand techniques sa pamamagitan ng pagsuko muna ng mga rebekde bago mabigyan ng bakuna kontra COVID-19. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.