Abante Tonite Interactive

Palasyo umaasang ‘di iiwan ng Makabayan bloc

By
15

Nananalig ang Malacañang na hindi makikipag-­break ang mga mambabatas na kasapi­ ng Makabayan bloc sa pakikipag-alyansa sa ­administrasyong Duterte.

Nauna nang napaulat na pinaplano ng mga miyembro ng Makabayan bloc na bumitaw sa pakikipag-alyansa sa gobyernong Duterte matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kina Judy Taguiwalo ­bilang secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Rafael Mariano­ ­bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

“We do hope the Makabayan bloc will stay with the administration and the House majority,” sabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Abante Hiring – IT dep

Sakali man aniyang mapagdesisyunan ng Makabayan bloc na tuluyan nang dumistansya sa Duterte admin, umaasa ang Malacañang na patuloy pa rin na makikipagtulungan ang mga ito sa pamahalaan.

“However, if they do decide to go, we wish them well and we hope that they will remain open to working together with others on issues of shared interest,” dagdag ni Abella.