Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo umalma sa banat sa IATF

0 57

Pumalag ang Malacañang sa banat ng mga kritiko na hindi umano kinukunsulta ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang health at medical experts sa pagbalangkas ng mga polisiya na ipinatutupad ng gobyerno laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang katotohanan ang nais palitawin ng mga kritiko dahil ang Department of Health (DOH) pa rin ang tumatayong lead agency ng IATF na pinangungunahan mismo ni Health Secretary Francisco Duque.

Puro mga health experts mula sa DOH aniya ang dumadalo at nagbibigay ng guidance sa mga pulong ng IATF , kasama na rito ang mga quarantine status na inirerekomenda sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Wala pong katotohanan yan. Ang DOH pa rin ang tumatayong lead agency sa IATF, pinangungunahan po ng isang doktor, si Dr. Duque,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.