Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo wapakels sa pasabog ni Pacman

0 32

Hindi natinag ang Malacañang sa banta ni Senador Manny Pacquiao na magpapasabog ito ng ‘atomic bomb’ pagbalik sa Pilipinas kaugnay sa mga isiniwalat na umano’y katiwalian sa gobyerno.

Mga video at audio recording umano ang ilalabas sa publiko ng senador na magpapayanig at magpapatunay kung gaano katalamak ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malayang gawin ni Pacquiao ang nais nitong gawin pagbalik sa Pilipinas dahil hindi naman ipinagbawal sa batas ang mag-ingay.

“Well, pabayaan po natin si Senator Pacquiao kung ano ang gusto niyang isiwalat. It’s a free country,” ani Roque.

“Sa ngayon kaisa nila kami, kaisa niya ang buong sambayanang Pilipino in wishing him good luck sa padating na laban niya,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.