Abante Tonite Interactive

Palawan bet ng Forbes Mag na pinakamainam na bakasyunan

324

Ang isla sa Palawan sa Pilipinas ay inirekomenda ng Forbes Magazine na pinakamahusay na mga lugar upang magbakasyon at may mga listahan na makakapamili kung gusto ng pribado, tropikal na pagkaing Pilipino, at marami pang iba.

Nabanggit sa ‘Best Places To Stay In Palawan’ na inilathala noong January 3, 2020, ang pitong listahan ng resorts sa Palawan na nagpapakita ng mga pinakasikat sa buong mundo na lalawigan ng 1,780 na mga isla.

Habang ang iba pang mga tropikal na patutunguhan ay pinag-uusapan lamang ang malinaw at asul na tubig, ang aquatic at tropical landscape sa Palawan ay isang kaleidoscope ng pinaka-buhay na kulay. Ang pagdalaw sa maraming maliliit na isla at paglalakbay dagat sa mga tubig nito ay kadalasang parang panaginip.

Ilan sa mga listahan ng natata­nging traveler-friendly na mga handog sa Palawan ay ang diving, snorkeling, swimming, cave explorations, at beach combing.

Nabanggit din sa artikulo ng Forbes na ang bawat pagbisita sa Palawan ay natatangi dahil walang magiging pareho o da­lawang paglalakbay sa Palawan.

Ilan sa pitong binanggit na mga report ay ang Amanpulo – na pinatatakbo ng mga grupo ng luxury hotel, Aman, ang pribadong isla na ito sa Pamilican na mapupuntahan lamang sa pamamagitan ng pribadong eroplano.

Ang Pangarusian ng El Nido Resort ay mata­tagpuan sa Bacuit Bay ng El Nido Palawan, na nagtatampok ng 750 metro kuwadradong private beach front bilang façade, backdrop, verdant tropical forest.

Pangatlo ang Flower Island Resort na may nag-iisang tropical experience sa anumang bakasyon, na matatagpuan sa Taytay, Palawan, ang Flower Island ay itinayo na suportahan at protektahan ang mga paligid nito.

Ang Sunlight Eco Tourism Island Resort sa Culion Island ay isang panaginip para sa mga manlalakbay na may malapit na pagkakaugnay sa kalikasan at pakikipagsapalaran.

Maremegmeg Beach Club, isa sa mga hippest at chicest address sa El Nido.

Matatagpuan mismo sa ta­bing dagat ng Maremegmeg Beach, na kilala rin bilang Las Cabanas; Bamboo Private Island, matatagpuan sa gitna ng Culion Bay; at Club Agutaya sa San Vicente, makikita ang isang nakamamanghang mahabang puting buhangin na baybayin na kilala rin bilang Long Beach. (Mina Aquino)