Abante Tonite Interactive

Palay at barya

303

Ako po ay nanaginip ng palay na sumibol sa aming ginagamit na nakabukang sako o kwadradong sako na nilalagyan namin ng kangkong sa pagbubukid.

Nakita kong nagkaroon ng lupa sa sako at dito sumibol ang mga palay.

Nagulat ako dahil ang mga palay ay nagkaroon ng mga baryang kumikintab.

Kinuha ko raw ang mga barya at ibinigay sa aking ina na tuwang-tuwa. Ano po ang ibig sabihin ng aking panaginip.

Willmar
***
Ang palay at bigas ay itinuturing na good omen. Ikinokonek ito sa kasaganaan, suwerte, fertility, sa mga bagong pagsisimula at sa tagumpay. Ang palay ay sumisimbolo rin sa kaligayahan.

Ang iyong panaginip ay indikasyon na anumang sitwasyon mo ngayon sa buhay ay kontento ka. Mataas ang iyong kumpiyansa at positibo ang iyong pananaw.
Pag-aralan ang iyong sitwasyon sa buhay.

Kung ikaw ay may mga pinagpaplanuhan na may kinalaman sa iyong mga ambisyon sa buhay, posibleng dito mo maikonek ang iyong panaginip.

Related Posts

Nakikita mong may mararating ang mga plano mo. Naniniwala kang magiging makakamit mo ang mga goal mo sa buhay.

Ang bahagi ng iyong pana­ginip na nakakita ka ng mga makikintab na barya sa gitna ng mga tumubong palay ay positibo rin. Sinisimbolo rin nito ang kasaganaan.

At ipinapakita rin ng iyong panaginip na mahalaga sa iyo ang pamilya na siyang sinimbolo naman ng iyong ina. Sa panaginip mo ay ibinigay mo sa iyong ina ang mga baryang nakita mo sa mga palay at nakita mong napasaya mo siya.

Ganito rin naman sa aktuwal na buhay, maikokonek mo ang iyong panaginip sa kagustuhan mong mabigyan ng kasiyahan ang iyong ina.

Magandang pagkakataon din ito para makipagkonek ka sa iyong mga kaibigan at palalimin ang mga koneksyon na makatutulong sa iyo sa hinaharap.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay.

Sa mga gustong isangguni ang kanilang panagi­nip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.