Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palay mas mura kesa face mask – Recto

0 116

Pinasisiyasat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Department of Agriculture (DA) ang napaulat na bagsak presyo ng palay kung saan nabibili lang ito sa halagang P12 kada kilo na mas mababa pa sa halaga ng face mask.

Taliwas aniya ito sa ulat ng gobyerno na P17.64 ang average na farm gate price ng kada kilo ng palay.

“The least that the DA can do is to spot areas where palay is being bought at bargain prices and recommend measures on how to shore it up so that farmers will not be at the losing end,” sabi ni Recto.

Kung ganito aniya ang presyuhan, hindi makababawi ang mga magsasaka sa kanilang production cost.

Kung P20.40 aniya ang bawat kilo ng palay, ang isang magsasaka ay kikita ng P33.55 kada hektarya, batay sa 2018 season cost-return study sa rice production.

“But at P12 a kilo, wala siyang kita, as in zero,” pahayag ni Recto.

Ayon pa sa senador, dapat pag-aralan ng DA kung hanggang saan ang epekto ng pag-angkat ng bigas sa presyo ng palay sa bansa.

“Akala ko ba, our suki rice exporting countries have adopted a policy of rice nationalism wherein they are limiting, if not banning, the export of rice as a buffer during the pandemic?” tanong ni Recto.

Aniya, imposibleng dagdagan ng mga magsasaka ang produksiyon nila ng palay kung magpapatuloy ang pambabarat sa presyo nito sa bansa.

“Kung ganyan ‘yan, at hindi maagapan, baka maging plantito at plantita na lang ang mga rice farmer kung nakikita nila na mas mas mahal ang bentahan ng mga ito,” sabi ni Recto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.