Abante Tonite Interactive

Palayan City nagpaulan ng 30-ton bigas sa mga nilindol

164

Kabuuang 30-toneladang bigas ang pinadalang tulong ng mga residente, negosyante at magsasaka ng Palayan City, Nueva Ecija sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay Palayan City Mayor Rian­ne Cuevas, nakatulong na sila sa mga magsasaka sa kanilang lugar dahil binili nila ang kanilang aning palay ay nakatulong pa sila sa mga earthquake victim sa Mindanao.

“Hindi nabibili ang mga palay ng mga magsasaka sa Palayan City dahil bagsak ang presyo ngayon, kaya kami na ang bumili at pinagiling namin para maging bigas na siyang pinadala naming tulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao,” Ani Mayor Cuevas.

Sinabi ni Mayor Cuevas, nag-ambag-ambag din ang mga negos­yante, business hub at ilang residente sa Palayan City upang magbigay ng tulong sa mga kapatid nating sa Mindanao.

Malugod namang nagpapasa­lamat ang mga magsasaka sa Pala­yan City na binili sa halangang P17 kada kilo ang kanilang palay na mas mataaas kumpara sa alok ng P10 ng mga rice trader sa Central Luzon.