Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palayan sa Pangasinan napeste

0 74

DAHIL sa pag-atake ng `rice black bug,’ humihingi ng tulong sa Department of Agriculture (DoA) ang mga magsasaka sa isang barangay sa Mangatarem, Pangasinan matapos salakayin ang kanilang palayan.

Sa pahayag ng ilang residente, isa na si Camilo Alcantara, ng Barangay Quetegan, malaking bilao na napuno ng peste (black bug) ang nakuha nila sa kanilang pananim na mga palay.

“Kapag umatake ito sa mga palayan lugi na kami lahat dito,” ani Alcantara. “Kasi itong black bug na ito madaling dadami ito. Kaya habang maaga pa sana mapuksa na ito.”

Sinabi ng pamunuan ng barangay, hindi na bago sa kanila ang pag-atake ng black bug. Noong nakaraang taon, umabot umano sa 10 hektaryang taniman ang sinira ng mga peste.

Ayon sa barangay, karaniwan daw na lumalabas at umaatake ang mga rice black bug kapag panahon ng tag-ulan. Pero posibleng nakadagdag daw dito ang malinaw na buwan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.