Abante Tonite Interactive

Palengcats sa Farmers Market

0 322

Kumilos ang Araneta Center, Inc. (ACI) laban sa paka­lat-kalat na mga pusa sa Farmers Market.

Katuwang ang CARA Welfare Philippines para sa Trap/Neuter/Return program ang tanging paraan para makontrol ang paglobo ng populasyon ng mga pusa.
Ang ACI sa pamamagitan ng Farmers Market management ay nagbigay ng P25,000 donasyon sa CARA para sa programa.

Ginanap ang contract signing at ceremonial turn-over ng tseke sa Dampa section sa Farmers sa pangunguna ni Margarita ‘Gaita’ Fores, 2016 Asia’s Best Female Chef na kilala dahil sa kanyang Market Tours sa Farmers Market.

“Caring for the ‘palengcats’ is just one way the Araneta Center is widening the scope of its PET PALS program, which has introduced us as a pet-friendly destination,” ayon naman kay Marjorie Go, Araneta Center Inc.’s marketing manager.