Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palengke sa Mindoro sumiklab, 100 stall naabo

0 164

Lampas 100 stall ang natusta sa malawakang sunog sa palengke ng San Jose, Occidental Mindoro kahapon ng madaling-araw.

Maging ang opisina ng palengke, tinupok din ng apoy.

Sinasabing nangyari ang sunog alas-2:00 ng madaling-araw kahapon, at naging under control ito bandang alas-6:00 ng umaga.

Hindi pa natukoy ang sanhi ng apoy pero posible umanong sa kuryente ito nagsimula. Inaalam pa ang halaga ng pinsala.

Samantala, walang nasaktan sa sunog pero umaapela ng tulong ang mga nagtitinda.

Dahil sa insidente ay pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng San Jose na magdeklara ng state of calamity.

“Malaki din ang extent kasi ang namamalengke dito, halos limang bayan,” ani San Jose Vice Mayor Rod Agas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.