Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Palimos’ modus ng mga politiko markado kay Lacson

0 172

Inilahad ni Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang reyalidad sa tuwing panahon ng pagpapasa ng Kongreso ng national budget.

Sabi ni Lacson, tuwing budget budget season, maraming mga lokal na opisyal tulad ng gobernador, alkalde at barangay chairman ang lumalapit sa kanilang tanggapan sa Senado upang hilingin na mabigyan ng pondo ang kanilang mga proyekto.

Para kay Lacson,

upang matugunan ng mga lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan at prayoridad ng kanilang komunidad at mga nasasakupan, mahalaga na mabigyan sila ng ayuda mula sa national government nang hindi dumadaan sa tila ‘palimos’ na sistema.

“Hindi dapat ganoon. Dapat ‘yon nakaplano na, nakababa na ‘yong pondo at kayo na ang mag-i-implement. Nakasama na mismo sa national budget,” pahayag ni Lacson sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga lokal na opisyal sa Cavite nitong Disyembre.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa sa batikang mambabatas, nagiging ganito ang sistema dahil sa ilang politiko sa national government na iniisip na magkakaroon ng ‘utang na loob’ sa kanila ang mga lokal na opisyal kung makikiusap ang huli na maaprubahan ang hiling nilang pondo.

“Hindi ganoon ang nangyayari kasi ang gusto ng mga politiko sa Manila, magpapaano kayo palagi—nakikiusap. Dahil ang iniisip nila sa eleksyon… Isipin niyo ‘kasi ako nagbigay ng project’, akala niya pera niya, hindi niya pera ‘yon e, pera ‘yon ng gobyerno,” sabi ni Lacson.

Naniniwala si Lacson na mas magiging epektibo ang pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino kung kasama sa pagbabalangkas ng budget ang plano ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga alkalde at iba pang kasama nitong opisyal at kung sila rin ang magpapatupad ng kanilang mga proyekto.

“Ito ‘yung vicious cycle sa ating sistema ng gobyerno na dapat mapalitan, dapat ma-stop. Sabi nga kanina ni Senate President, ‘yung culture of mendicancy, ‘yung kultura ng pagpapalimos,” pagdiin pa ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.