Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palit PH passport: 3 Chinese sinuhulan DFA

0 95

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI-Quezon) ang tatlong Chinese national matapos magtangkang kumuha ng Philippine Passport at nanuhol pa sa Department of Foreign Affairs (DFA) gamit ang mga pekeng dokumento nitong Huwebes.

Lumapit ang Chinese national na kinilalang si Chaoyu Su sa isa nilang security officer. Nagpatulong ito na magkaroon ng kilala sa loob ng kagawaran upang makapagpagawa ng passport kapalit ng P400,000 bawat isa.

Agad na ipinagbigay-alam ng security officer sa pamunuan ng DFA na nakipag-ugnayan naman sa NBI para sa entrapment operation sa suspek.

SM food to go Banner Ad

Nang magtungo sa DFA Lucena si Chaoyu Su kasama ang dalawa pang Chinese na ikukuha sana ng passport, dito na kinasa ang paghuli sa kanila. Naunang umakyat sa tanggapan ang mag-asawang Chinese habang iniabot naman ni Chaoyu Su ang P800,000 sa security officer sa parking lot ng DFA.

Nang maiabot ni Su ang pera doon na ito dinampot ng NBI. Kinilala ang mag-asawang Chinese na sina Jiewu Pan at Cuiyi Lian na mga Philippine offshore gaming operations (POGO) worker.

Nais umano ng mga ito na kumuha ng Philippine passport upang mapalitan ang kanilang pangalan at makakuha ng pribelehiyo nito. Nahaharap sa kasong paglabag sa Passport Law at Falsification of Public Documents at bribery ang mga naarestong Chinese. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.