Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palmera-Dy bida vs Pacific

0 34

Nagsyut ng 15 points si Raiza Palmera-Dy upang kargahin ang Glutagence Glow Boosters sa paglunod sa Pacific Water Queens, 72-55, sa pagsiklab ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 Pilar Juliana ‘Pia’ Cayetano Cup sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga Linggo.

Ito ang unang edisyon ng ligang pambabae na umakyat sa propesyonal makaraan simulan noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malaking tulong kay Palmera-Dy ang ‘Splash Sisters’ na sina Camille Claro at Khate Castillo na mga bumakas ng tig-11 markers sa pagdomina ng winning team sa karibal. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.