Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palomata, PLDT nilagot Cignal

0 62

STANDING
TEAM W L
PLDT Home Fibr 2 0
Creamline 1 0
Black Mamba Army 0 2
Cignal 0 1
KingWhale Taipei 0 0
KSWU Japan 0 0

Mga laro sa Sabado
(Ynares Center-Antipolo)
2:30 pm – Cignal vs Army
5:30 pm – Creamline vs PLDT

Sinimentuhan ni Dell Palomata ang depensa ng PLDT Home Fibr upang sandigan sa muling pagtibag kontra Cignal, 15-25, 25-13, 25-23, 25-23 sa 5th Premier Volleyball League 2022 Invitatonal Conference semifinals sa Ynares Center sa Antipolo Huwebes ng gabi.

Nagtala si Palomata ng 19 points sa likod ng 16 attacks at 3 blocks upang iahon ang PLDT sa unang set na pagkakakaiwan at bitbitin ang Speed Hitters sa sumunod na tatlong set para kapitan ang pagsolo sa liderato sa pangalawang sunod na panalo

“Nasa isip lang po namin na huwag kaming bumitaw, laban lang kami hanggang sa dulo,” bulalas ng 26-anyos, may taas na 6-3 middle blocker sa pagduplika ng team niya sa pagsilat sa High Definition Spikers sa eliminations noong Hulyo 40 apat ding set.

Ibinuhos ng Power Hitters ang 9-0 bomba sa last stanza kung saan naiwanan ito sa 15-19 iskor upang agawin ang 23-19 abante at tuluyang mantsahan ang kartada ang uotl na koponan.

Wagi rin ang Creamline (1-0) laban sa Army Black Mamba (0-2) 25-21, 23-25, 25-19, 25-17. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.