Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palpak uli! DepEd TV kinuyog sa math lesson

0 151

Muli na namang pinutakti ng mga netizen ang DepEd TV matapos magpalabas ng maling solusyon sa isang math problem na nag-viral sa social media.

Sa lesson na ipinalabas noong Martes, hinahanap ang value ng “x” sa equation na “2x = 0″.

“We divide both sides by zero to obtain the value of x, which is zero,” sabi ng teacher-broadcaster.

Pero ilang netizen gaya ni Jemima Manansala, ang nagsabing mali ang solution. Aniya, naispatan niya ang error nang sumilip siya sa episode ng DepEd TV dahil curious siya.

SM food to go Banner Ad

Madali umano niyang nakita ang mali dahil paborito niyang subject ang math.

Magugunitang noong Agosto ay binatikos din ang DepEd TV dahil sa practice broadcast nito ng lesson na mali ang grammar.

Samantala, inamin ng Department of Education (DepEd) na may error sa math solution na ipinalabas sa DepEd TV.

“Totoo pong may mali. Nakalusot sa QA ang portion na ito. Kaya’t minabuti kong mag-post para maituwid agad itong pagkakamali,” sabi ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Pascua sa FB post.

Humingi ng paumanhin si Pascua sa mga estudyante, magulang at guro. Umapela rin ito sa publiko na sana’y makita rin ang mga pagsisikap ng DepEd TV. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.