Abante Tonite Interactive

PALpak

439

Naghihimutok ang isang ginang laban sa Philippine Airlines (PAL) matapos makansela ang kanyang flight pauwi ng Pilipinas mula New York. Patungo na sana ng JFK airport si Rovilla Rosales Copp para sa flight nitong Sabado nang makatanggap siya ng email na kanselado ang lipad niya.

Inalok umano siya ng PAL ng 3:35 a.m flight nitong Hulyo 21 pero tinanggihan ito ng ginang dahil sa wala namang ina­yos na Manila-Cebu flight maliban sa refund ng domestic flight niya. Dalawang linggo lang siyang magbabakasyon sa Cebu pero mukhang tatambay siya ng 3 araw sa Maynila.

Kaya ang ginawa ng ginang, bumili siya ng tiket sa Cathay Pacific at sumuka ng $1,700 para lang makalipad ng Hulyo 20. Ang masaklap nito, hindi agad makukuha ang refund sa PAL dahil aabutin daw ito ng 30 banking day.

Abante Hiring – IT dep

Susmaryosep! Kahit na sabihing ito ang flag carrier ng ‘Pinas, hindi na raw sasakay uli ang Fil-Am sa binansagan niyang ‘worst airline’ sa buong mundo.
Ang himutok ni Copp ay pinost niya sa kanyang Facebook account na ni-repost naman sa Twitter account kaya’t nakara­ting sa kaalaman ng PAL na sumagot lamang na mag-send na lang daw ng direct message hinggil sa nasabing problema.

Isa lamang ito sa ilang daang pasaherong naperwisyo ng flight cancellation. ‘Yung iba marahil, kinikimkim na lang ang nararamdaman. Marami na tayong naririnig laban sa serbisyo ng nasabing airline at patuloy tayong makakarinig ng mga reklamo hangga’t may aberya o kapalpakan sa kanilang operasyon.

Ngayon ang laban ni Senador Manny Pacquiao kay WBA super welterweight champion Keith Thurman sa Las Vegas, Nevada. Ang balita, agad siyang uuwi sa bansa para makadalo pa sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayaw niyang mabatikos na unang araw ng 18th Congress, absent agad siya.

Lalo lang tumitibay ang hinala ng marami na tatakbo ito sa mas mataas na posisyon sa halalan sa 2022 kung saan 42 taong gulang na siya noon. Wala na kasing dapat patunayan pa si Pacquiao dahil sigurado nang nakatatak sa boxing history ang kanyang record.

Bukod siguro sa naghahabol pa siya sa maaaring kitain sa pagboboksing, isa sa pinupuntirya nito ay maging vice-pre­sident ng bansa bago tumakbo sa pinakamataas na posisyon. Sana tumakbo din si Manila Mayor Isko Moreno para makita ni Pacquiao ang kanyang katapat.