Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palparan kulong maliban kung may pardon – Roque

0 120

Pinanindigan ng Malacañang na mananatili sa kulungan si retired Major General Jovito Palparan maliban kung gagawaran siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.

Sagot ito ng Palasyo matapos imungkahi ni dating Interior Sec. Rafael Alunan III na palayain si Palparan kasunod ng pagbibigay ni Pangulong Duterte ng absolute pardon kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Si Palparan ay hinatulan ng 40 taong pagkakakulong sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) noong 2006.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa Pangulo na kung palalayain o hindi si Palparan.

Ayon kay Roque, may matibay na basehan ang korte para parusahan si Palparan. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.