Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamamasyal abroad bawal pa rin

0 365

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbiyahe sa ibang bansa ng mga Pilipino na nais lamang mamasyal dahil patuloy pa ang paglaganap ng COVID-19 pandemic, ayon sa abiso ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo.

Ginawa ng BI ang pahayag dahil na rin sa ulat na mayroong anim na Pinoy ang nagtangkang pumunta sa Cambodia sa pamamagitan ng chartered flight sa Ninoy Aquino International Airport at ikinatuwiran na may dadaluhan silang business meeting para sa shrimp farming.

Ayon kay BI port operations acting chief Grifton Medina, pinagbabawal pa rin umalis sa bansa ang mga Pinoy maliban kung sila’y overseas Filipino worker, holder ng study visa o permanent resident ng bansang kanilang patutunguhan. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.