Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamana ni Duterte

0 300

Ingat-ingat tayo mga kababayan sa mga gagawin nating aktibidad ngayong Kapaskuhan.

Nagluwag ang gobyerno para makabawi ang ating ekonomiya at hindi tayo malugmok ngayong panahon ng pandemya.

Lalong huwag natin kalimutang nariyan pa rin ang COVID-19 at anumang pagkakamali ay maari kayong masapol kapag nagpabaya.

Kaya sumunod na lang sana tayong lahat sa tagubilin ng gobyerno para makaiwas sa pagkalat ng virus.

Huwag rin nating kalimutan na may mga awtoridad na magbabantay sa atin 24 oras para tiyakin ang kaligtasan nating lahat.

Huwag na natin hintaying makasuhan pa katulad ng babala ni Philippine National Police (PNP) Gen. Debold Sinas, na aarestuhin ang sinumang magsasagawa ng mga Christmas Party.

May direktiba si Sinas sa lahat ng police commanders na mahigpit na ipatupad ang regulasyon ng IATF.

Kaya ingat lang baka sa malamig na selda kayo mag-Pasko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

***

Humabol pa ang Kamara bago magtapos ang 2020 ay ipinasa ang panukala para sa Coconut Levy Trust Fund na naglalayong madagdagan ang kita ng 3.5 milyong magsasaka ng niyog mula sa 68 probinsiya.

Sa pagtimon ni House Speaker Velasco ay umaarangkada na rin ang mga panukala na prayoridad ni Presidente Rodrigo Duterte.

Sakaling maging ganap na batas ay isa ito sa magiging pinakamatingkad na pamana ni Duterte matapos ang kanyang panunungkulan na mapakikinabangan maging ng mga kaapuapuhan ng ating mga magsasaka ng niyog.

Sa pamamagitan ng Coconut Levy Trust Fund, maiaangat ang klase ng kanilang pamumuhay at nakatutulong ito sa pag-abot sa tinatawag ng mga eksperto na “social equity” o pagkakapantay-pantay sa lipunan. Dahil sa Coco Levy Trust Fund, inaasahan ang muling pagsigla ng industriya at mas magiging moderno na ito kung kaya siguradong lalaki ang produksiyon.

Hindi lang ‘yan dahil naitulak rin ang 2021 national budget nang walang pinaborang legislative districts.

Kaya ng anaging katanggap-tanggap sa Senado ang ipinadala ng Kamara na 2021 General Appropriations Act at walang naging sakit ng ulo si Senate Finance Committee chairman Senator Sonny Angara sa pagbusisi at pagdinig sa ginwang bicameral conference committee hearings.

Hindi lang ‘yan dahil bago mag-break ang Kamara para sa Pasko ay marami pang mga nakabinbing panukala ang tiyak na lulusot sa third and final reading sa plenaryo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.