Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamangkin bet ampunin

0 173

Dear Atty,

Good morning po. Gusto po namin ng mister ko i adopt yung pamangkin ko–  anak ng kapatid ko. Gusto na din po kasi nila para sa future ng bata wala kasi sila both trabaho. Ano po kaya unang step and kung idadaan po sa court?

 Salamat po.

Cristy

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mrs. Cristy,

Ayon sa  RA 8552, dadaan muna kayo sa tinatawag nating Pre-adoption Counseling Services. Dswd di po ang mangangasiwa rito. Magkakaroon din po ng Case Study Report ang naka assign na social worker upang malaman kung ang bata ba ay dapat na mai adopt at kung ready rin ba ang mag aadopt at magpapaadopt (pati ang bata  na ia adopt at mga anak ng mag a-adopt kung nasa edad pagna 10 years old). Ang unang gawin nyo ay makipag ugnayan sa Social Worker na nakaassign sa lugar ninyo para maumpisahan ang initial na proseso.

Kapag nasang-ayunan ang pag-adopt ayon sa report ng DSWD ay saka pa lamang makakapagsampa ng Petition for Adoption sa court. Sa korte ay papatunayan ninyo na kayo ay may kakayanan (financially), maganda ang kalusugan, walang anumang derogatory record at ang pag adopt ang siyang makakapagbigay ng maayos na buhay o kinabukasan sa bata.

Ito pa lamang ang mga inisyal na dapat gawin dahil kapag nakapagfile ka na ng Petition, matapos ang  supervised trial custody period for at least six (6) months  ay magkakaroon pa ng pag-uutos para sa ma publish ang Order of Hearing para sa kaalaman ng lahat. Pero tandaan na ang lahat ng  parte ng hearing, record at decision dito ay confidential in nature.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog  para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.