Abante Tonite Interactive

Pamangkin isusunod sa apelyido

340

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire:
Good day po. Hingi lang po ng advice. Ano po bang puwede naming gawin para mailipat sa aming mag-asawa ‘yung apelyido ng pamangkin ko? Bale po kapatid ko po kasi ‘yung mother niya na patay na since Nov. 2010. Ang gamit po niyang apelyido ay ‘yung sa kapatid ko na apelyido ko rin nu’ng dalaga.
Ipinanganak po ‘yung pamangkin ko noong August 2010. Hindi po sila kasal nu’ng tunay na tatay ng pamangkin ko. Ang nakalagay lang sa birth certificate niya ay ‘yung name ng kapatid ko. Kami na po nag-alaga sa kanya at nagpapaaral ngayon.

Isa pa po, wala siyang surname kaya gusto na­ming malipat ang apel­yido niya sa amin. May habol po ba ang tatay niya since wala naman pakialam sa bata ‘yung tunay na ama niya? Ano pong puwedeng gawin? Sana po masagot ninyo ako.Maraming salami po. God bless.
Roselle

Related Posts

Ms. Roselle:
Hindi ninyo basta lamang na maililipat sa bata ang apelyido ninyo dahil kakailanganin ninyo siyang ampunin nang ligal bago mabago ang kanyang surname at maipalabas na anak ninyong mag-asawa.

Ang pagsang-ayon ng tunay na tatay ng bata ay kakailanganin upang tuluyang payagan ng korte ang pag-ampon sa bata. Mas magandang makausap mo ang tunay na ama ng bata at sabihin ang planong pag-ampon dahil sa kakausapin din naman siya ng social worker o representative mula sa DSWD upang mabatid kung qualified ba ang bata na ampunin at kung qualified din kayo na mag-ampon.

Nagkakaroon ng isang child case study ang assigned social worker para malaman kung ano ang maaaring maging kahinatnan ng pag-ampon sa bata. Dahil dito ay talagang hahanapin nila ang mga tunay na magulang para malaman kung sang-ayon sila sa plano na ampunin ang anak niya. Kapag nagkaroon ng magandang study ang DSWD o social worker ay malamang na sumang-ayon ang korte sa hiling ninyong maampon ang bata. Ang una nilang konsiderasyon ay kung ang lahat ng iyan ay para sa ikabubuti ng bata.